
Sa kasikatan ngayon ni Pacquiao, pati ang ina niyang si Aling Dionisia ay nasa limelight na rin at mga babasahin. Sikat na sikat na rin ngayon si Aling Dionisia. At hindi kata-taka kung pati si Aling Dionisia ay mag-artista na rin. If ever, papayagan ba niya ang kanyang ina na mag-artista? “Si Mama, ano,mahilig ‘yun, e. Ah, eh, kung saan siya masaya siyempre, ah, ‘yan lang ang ikinasasaya ng magulang ko.” Nakahanda ba siyang i-produce niya ba si Aling Dionisia ng pelikula? “Hindi naman,” nakangiting sagot ni Pacman. Pero may plano ba siya na mag-produce ulit ng pelikula? “Ah, hindi,” ngiti ni Manny. “Pero may movie na gagawin namin ni Batista (Fil-Am wrestler) at ang Solar ang magpro-produce.” Next week pa daw ang usapan tungkol sa lahat ng detalye ng movie. May idea na ba siya kung ano ang concept? “Hmm…iba. Iba naman. Super hero,” kwento ni Pacquaio. Sa estado niya ngayon hindi mawawala ang napakaraming tukso. Paano niya iniiwasan ang mga ito? “Alam mo ang tukso nand’yan lang ‘yan kung magpatukso ka, e. I mean, ‘pag ka busy ka wala ka na ring time sa mga ganyan-ganyan.” Nagpadala na ba siya sa tukso? “Anong tukso? Ano’ng klaseng tukso? Maraming natukso sa pagkain. Natukso ako sa pagkain kasi imbes na bawal ako’ng kumain ng karneng baka, kain ka pa rin.”
Sinagot din ni Pacquiao ang isyu sa kanila ng ABS-CBN Sports Correspondent na si Dyan Castillejo. Totoo ba’ng may galit pa rin siya kay Dyan kaya hindi ang female sportscaster ang nag-cover ng laban niya sa US with Ricky Hatton para sa ABS-CBN? “Wala, nag-usap man kami. Nag-usap man kami before the fight. After and before the fight, nagusap man kami sa phone. Tinext at saka tawag.’ Bakit si TJ Manotoc ang nagc-over ng laban niya? “Ah, hindi ko alam kung bakit siya ang pinadala ng ABS-CBN. Okay naman. Inentertain ko naman silang lahat doon. Eh, wala naman ako’ng pinipili o pinaboran.” Sa nakaraang victory party din niya sa US dumating ang Superstar na si Nora Aunor. Kinantahan ba siya ng Superstar sa party niya? “Ah, hindi ko alam, e. Hindi ko alam na kumanta siya. Hindi ko nakitang kumanta pero ako, kumanta ako.” Hindi ba niya naisip na ang Superstar na lang na si Ate Guy ang pakantahin niya sa susunod na laban niya? “Pinagisipan ko nga…Baka ako,” nakangiting tapos ni Manny.
No comments:
Post a Comment