ABS-CBN News Patrol.. Nangunguna sa tunay na pagbabalita..

Tuesday, May 5, 2009

Sinadya ng ABS-CBN.com si Lea Santos,a.k.a. Luningning sa kanilang dressing room after ng Wowowee para iparating sa pambatong dancer ng ASF ang mga bali-balitang tatanggalin(ga-graduate?) na raw siya sa show. " ‘Yun po ang sabi." maikli't magalang niyang sagot sa amin. Hindi lang daw siya, kundi pito silang miyembro ng ASF Dancers na mawawala na sa Wowowee. Kasama daw niyang mawawala sina Milagring, Kathy, Aiko, Lovely, Precy at Mariposa. "Actually, hindi naman tatanggalin ang tawag do'n e, may balak daw kasi ang management sa amin. Pero hindi pa ako sure kung ano yun (balak sa kanila)," wari'y nagtatanong niyang sagot sa amin.

No'ng dati naming nakausap si Luningning, sabi nito'y may bagong show na paglilipatan sa mga ga-graduate. Itinanong namin sa kanya kung mayroon na bang naganap na miting o kung ano'ng show ang balak sa pito? “Wala pa eh," say ng sexy dancer. "Mahirap din pong magsalita, kasi hindi pa ako sigurado. Hindi pa kami minimiting ng management." 25 years old na si Luningning at apat na taon na siya bilang ASF Dancer ni Ms. Anna Feliciano. Sabi niya, hindi daw siya magtatagal ng 4 na taon kung hindi niya mahal ang show, kaya't mahirap para sa kanya ang malamang nabibilang na ang kanyang mga araw sa Wowowee. "Siyempre, malungkot." maikli nitong sagot sa tanong namin ,kung ano ang nararamdaman niya sa balita? "Eh, kasi parang pamilya na kami sa Wowowee. Tulad ngayon, may games (Wowowee Olympics sa Araneta Coliseum on May 9) si Will. Mami-miss ko yun." pagtatapat ni Luningning sa amin. Sinabihan daw siya ng ilang kasamahan na makiusap kay Willie para siya'y ma-retain sa show. "(Sabi sa akin) Wala daw magagawa si Will( palayaw ni Willie) 'pag desisyon ng management," pangiti niyang sabi.


Sabi ng mga fans ni Luningning, miss na nila siya sa Wowowee..

No comments:

Post a Comment